Monday, August 20, 2012

Tagalog:Sinusong Wika

                    Leron,leron Sinta! 
                                         
                       Tuwing umaga ay sabay-sabay na umaawit,nakikinig sa mga tula,nagbabasa ng mga kwento at galak na galak ang buong klase ni Bb. Reyes.Inaawit nila ang mga katutubong awitin tulad ng Bahay Kubo,Paru-parong Bukid at Sitsiritsit.Kaya naman ganoon na lamang ang kagalakang nadarama ng klase ni Bb. Reyes gamit ang sinusong wika _ ang Tagalog.
                        Sa tuwing ginagamit sa aralin ang "Mother Tongue", labis ang nadaramang ligaya ng klase ni Bb. Reyes sapagkat sila'y nag-aawitan,nagbabasa at nagkakaroon ng paligsahan sa pagtula.Sa pamamagitan nito nagbubuklod ang diwa't kaisipan ng kabataan tulad na lamang ng mga nasa unang baitang.Sa pamamagitan ng mga simpleng gawaing ito ay napapalawak ang kaalaman ng mga kabataan, nagkakaroon ng pagkakaintindihan at nakapagbibigay tuwa sa bawat kabataan.
                        Ang paggamit ng ating sinusong wika sa mga paaralan ay mahalaga sapagkat ito ang siyang nagbibigay liwanag sa kinabukasan ng bawat bata na nagsisimula pa lang sa sa unang hakbang ng buhay.Tulad na lamang ng mga kabataang nasa unang baitang.Ang ating sinusong wika ang siyang gabay nila tungo sa magandang kinabukasan sapagkat ito ang ang nagsisilbing daan upang ang bawat isa ay magkaintindihan,Ito ang ginagamit ng bawat isa sa pagsasalita.Kung wala ang atin sinusong wika,paano ang mga munting mag-aaral na nais matuto ng iba't ibang aralin?



            Sa pagkakaroon natin ng Mother Tongue ito ang nagsisilbing liwanag at gabay  sa pagkakaintindihan ng bawat kabataan.Mahalaga ito sa ating pamumuhay lalu't higit sa mga paslit na nagsisimula pa lamang sa buhay.Pahalagahan sana natin ito at palawigin sapagkat ito ang susi sa pintuan ng liwanag tungo sa magandang kinabukasan.               

                       Ayon sa nakitang video, ano ang maaaring ikumento?

No comments:

Post a Comment