Monday, August 20, 2012

Mamamahayag:Tunay na Bayani

Munting Bayani !
       
           Si Miong ay isang mabait,mapagmahal at masipag na bata.Siya ay isa sa mga batang mamamahayag sa kanilang paaralan.Siya ay  hindi naman gaano kagalingan subalit siya ay isang responsable at siya'y laging handa sa tuwi-tuwina hanggang sa sumapit na ang panahon kung kailan ang ulap ay napuno na ng maitim na usok at ang malakas na hangin at ulan ay nagsisismula nang umihip at pumatak.
           Nagsisimula nang lumikas ang mga tao.Takbo dito,takbo doon ang mga tao ay nanga-taranta kung sino,ano ang una nilang isasalba! Ang tubig na mula sa talampakan ay nagsisimula nang umakyat ang lebel haggang sa hangganan ng binti.Si Miong na handang handa na ay hindi lumikas.Inisip niya na sa panahon ng kalamidad ay nangangailangan ng boluntir upang tumulong sa pagpapalikas sa mga tao.Inisip niya rin ang responsibilidad ng isang batang mamamahayag na hindi lamang sa paaralan naisasagawa ang tungkulin kundi maging sa pamayanan.Walang sinayang na oras si Miong sa pagsasa-ayos sa kanyang kapit-bahay.

           Si aling Elester na tarantang taranta kung ano ang isasalba ay tinulungan ni Miong.Iniuna niya ang limang buwan na sanggol na nasa kama ng malapit ng abutin ng tubig.Matapos maialis ang sanggol ay agad na ibinigay sa mga rescuers.Isinunod na niya si aling Elester na wala pa ring naisasalba dahil tarantang     taranta.Kumuha si Miong ng malaking bag at nilagyan nang mga damit,kumot,tubig na inumin,mga pagkain at mga gamot.Pinasuot ni Miong ang bag kay aling  Elester at agad na pinasakay sa mga rescue boats.Lumakas muli ang hangin at ulan.Inianod si Miong!

               
                 Inianod si Miong ng malakas na alon ng tubig.Hindi siya nakahawak sapagkat nang lumakas ang alon tubig ay pinapasakay niya si aling Elester.Inianod siya malaking ilog ng kanilang bayan,nalunod at binawian ng buhay dahil lamang sa pagliligtas sa kanyang kapit-bahay.Bumuhos ang pakikiramay sa munting bayani.
                                                                                                                                                                           

           Binawian man ng buhay si Miong alang alang naman ito sa kanyang  kapwa.Bilang isang mamamahayag nararapat na tayo'y maging handa at mayroong sapat na kaalaman upang kahit tayo'y tarantang taranta ay mayroon tayong maisasalbang kagamitan maging _isang buhay.Kailangan na tayo'y maging handa sa tuwina tuwina upang kahit may mananalasang kalamidad ay handa tayo.Si Miong ay isang halimbawa ng tunay na mamamahayag sapagkat siya'y naging handa at inialay niya ang kanyang buhay alang alang sa kanyang tunkulin bilang isang tunay at responsableng mamamahayag.
Mayroon ka bang nais sabihin ???

Tagalog:Sinusong Wika

                    Leron,leron Sinta! 
                                         
                       Tuwing umaga ay sabay-sabay na umaawit,nakikinig sa mga tula,nagbabasa ng mga kwento at galak na galak ang buong klase ni Bb. Reyes.Inaawit nila ang mga katutubong awitin tulad ng Bahay Kubo,Paru-parong Bukid at Sitsiritsit.Kaya naman ganoon na lamang ang kagalakang nadarama ng klase ni Bb. Reyes gamit ang sinusong wika _ ang Tagalog.
                        Sa tuwing ginagamit sa aralin ang "Mother Tongue", labis ang nadaramang ligaya ng klase ni Bb. Reyes sapagkat sila'y nag-aawitan,nagbabasa at nagkakaroon ng paligsahan sa pagtula.Sa pamamagitan nito nagbubuklod ang diwa't kaisipan ng kabataan tulad na lamang ng mga nasa unang baitang.Sa pamamagitan ng mga simpleng gawaing ito ay napapalawak ang kaalaman ng mga kabataan, nagkakaroon ng pagkakaintindihan at nakapagbibigay tuwa sa bawat kabataan.
                        Ang paggamit ng ating sinusong wika sa mga paaralan ay mahalaga sapagkat ito ang siyang nagbibigay liwanag sa kinabukasan ng bawat bata na nagsisimula pa lang sa sa unang hakbang ng buhay.Tulad na lamang ng mga kabataang nasa unang baitang.Ang ating sinusong wika ang siyang gabay nila tungo sa magandang kinabukasan sapagkat ito ang ang nagsisilbing daan upang ang bawat isa ay magkaintindihan,Ito ang ginagamit ng bawat isa sa pagsasalita.Kung wala ang atin sinusong wika,paano ang mga munting mag-aaral na nais matuto ng iba't ibang aralin?



            Sa pagkakaroon natin ng Mother Tongue ito ang nagsisilbing liwanag at gabay  sa pagkakaintindihan ng bawat kabataan.Mahalaga ito sa ating pamumuhay lalu't higit sa mga paslit na nagsisimula pa lamang sa buhay.Pahalagahan sana natin ito at palawigin sapagkat ito ang susi sa pintuan ng liwanag tungo sa magandang kinabukasan.               

                       Ayon sa nakitang video, ano ang maaaring ikumento?